Lumaktaw sa nilalaman
Mag-upgrade sa VIP

Mag-upgrade sa VIP

Sumali sa VIP para ma-enjoy ang mga eksklusibong feature

I-tap ang icon ng regalo sa kanang itaas para malaman pa ang tungkol sa mga feature ng VIP plan. May dalawang package kang puwedeng pagpilian: prepaid package at buwanang subscription.

Tinatanggap namin ang mga sumusunod na paraan ng pagbabayad.

1. Prepaid Package:
Visa, MasterCard, JCB, Google Pay, Alipay (Global)
Convenience Store, ATM (Taiwan)

2.Buwanang Subscription:
Visa, MasterCard at JCB (Global) - kailangang naka-enable ang card para sa paulit-ulit (recurring) na e-commerce transaction

Kailan magiging epektibo ang biniling plan?

Kung mag-upgrade ka habang nasa trial period, magiging epektibo ang biniling plan pagkatapos ng trial period. Pero kung mag-upgrade ka pagkatapos ng trial period, agad na magiging epektibo ang biniling plan at magagamit mo na ito.

Nakapagbayad na ako. Bakit hindi pa na-upgrade ang account ko?

Kung gumagamit ka ng mobile app, i-swipe ito para isara at buksan ulit. Sa computer, i-refresh ang pahina. Pagkatapos nito, magiging epektibo na ang upgrade.